SCYOFBC

BC’s Child Rights Public Awareness Campaign

Ang mga karapatan ng aking anak

Paano natutulungan ang aking anak sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanilang mga karapatan?

Bilang isang magulang, kayo ang pinakamahusay na nakakakilala sa inyong mga anak at ang taong magtitiyak na mayroon sila ng lahat ng bagay na kinakailangan upang magtagumpay at umunlad sa Canada.

Ang United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC) ay isang pandaigdigang kasunduan na pinirmahan ng Canada at karamihan ng mga bansa sa daigdig. Ito ay nagpapahayag na ang bawat tao na mababa sa edad na 18 taon ay kailangang umunlad at mabuhay ng isang malusog na pamumuhay.

Sa Canada ang bawat bata at kabataan na nasa ilalim ng 18 gulang, kabilang ang kabataang imigrante, ay may karapatan na maprotektahan sa ilalim ng UNCRC.

Hindi bababa sa apat ng mga artikulong ito ang tumutukoy sa kabataang imigrante at mga bagong dating na kabataan:

Artikulo 2: Lahat ng mga bata at kabataan ay maaaring magtamasa ng mga karapatan, anuman ang kanilang lahi, relihiyon, kakayahan, anuman ang kanilang iniisip o sinasabi, nang hindi makakaranas ng diskriminasyon.

Artikulo 14: Ang mga kabataan ay may karapatang mag-isip at paniwalaan ang gusto nila at magsagawa kung alin man ang kanilang napiling relihiyon.

Artikulo 22: Dapat tiyakin ng mga pamahalaan na ang mga kabataang repyudyi ay magkaroon ng parehong mga karapatan katulad ng mga bata na ipinanganak sa bansa nito.

Artikulo 30: Ang mga bata at kabataan ay may karapatang matutuhan at gamitin ang wika at tradisyon ng kanilang mga pamilya.

Ang pagtuturo sa mga bata tungkol sa kanilang mga karapatan (at pananagutan) ay nagdaragdag sa pagpapahalaga sa sarili ng isang bata, antas ng pakikipag-ugnayan sa tahanan at paaralan, at pagtaas ng paggalang sa iba. Kapag ang mga bata ay nauunawaan ang kanilang mga karapatan, ang mga ito ay mas malamang na makaiwas na maapi (bullied) at malamang din na manindigan para sa iba. Ginagawa silang maging mahusay na mamamayan ng Canada at ng daigdig.

Download

Mga Mapagkukunan

Narito ang ilang mga organisasyon at mga mapagkukunan na maaaring makatulong sa inyo

Settlement Workers in Schools (SWIS)

Ang SWIS ay isang outreach na programa para sa mga bagong imigranteng mag-aaral at kanilang mga pamilya na nasa elementarya at sekundaryong paaralan, na tumutulong sa pag-unlad ng pag-unawa sa kulturang Canadian.

http://www.vsb.bc.ca/settlement-workers-schools-swis

My Tween and Me, Nobody’s Perfect, and Parent-Child Mother Goose Programs

Mahirap ang maging magulang. Ang mga kursong ito ay walang bayad, may libreng pag-aalaga ng bata at higit sa lahat ay walang maghuhusga sa inyo o mag-iisip na kayo ay isang masamang magulang.

http://www.bccf.ca/families/programs

Immigrant Services Society (ISS) of BC

Ang ISSofBC ay nagbibigay ng iba’t-ibang mga serbisyo sa mga imigrante at mga komunidad ng repyudyi sa Lower Mainland, at tumutulong sa mahigit sa 23,000 mga kliyente sa bawat taon. Ang ISSofBC ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa settlement, edukasyon, at integrasyon ng mga imigrante simula sa araw ng kanilang pagdating sa Canada.

http://www.issbc.org/immigrants

Kumilos Kaagad

Habang ang UNCRC ay ginagarantiyahan ang karapatan ng mga kabataan upang ipahayag ang kanilang mga pananáw, hindi ito nangangahulugan na ang mga bata at kabataan ay ang amo.

Ang karapatan ng mga bata at kabataan ay nandiyan upang hikayatin ang lahat ng mga nasa sapat na gulang (adults) na makinig sa opinyon ng mga bata at isangkot sila sa paggawa ng desisyon na may pag-asa na ang mga bata ay matuto kung paano gumawa ng mga responsableng desisyon. Ikaw ang mahusay na nakakaalam kung gaano kalaking responsibilidad ang kakayanin ng mga anak mo. Nasa sa iyo na upang tulungan silang malaman ang kanilang mga potensyal.

5 mga simpleng paraan upang itaguyod ang mga karapatan ng inyong anak sa bahay

  1. Tulungan ang mga bata upang maunawaan nila ang mga karapatan ng bata sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig
  2. Isangkot ang inyong mga anak sa paggawa ng desisyon ng pamilya
  3. Mag-imbita ng kaibigan ng inyong anak upang maghapunan sa inyong tahanan
  4. Itaguyod ang mga interes at kalakasan ng inyong anak
  5. Mag-volunteer kasama ang inyong anak sa mga kadahilanan na kanilang pinaniniwalaan

Mga Organisasyon

Karamihan sa mga organisasyong ito ay may mga mapagkukunan na nasa wikang Pilipino.

Affiliation of Multicultural Societies and Service Agencies (AMSSA)
BC Centre for Safe Schools and Communities (BCCSSC)
United Nations Association of BC (UNA)
Immigrant Services Society of BC (ISS of BC)
Ministry of Child and Family Development (MCFD)
Multilingual Orientation Service Association for Immigrant Communities (MOSAIC)